dzme1530.ph

VANNESS WU, MULING NAGPAKASAL

Loading

Sinorpresa ni Vanness Wu ang fans nang ianunsyo nito sa Instagram ang muling pagpapakasal.
 
Ibinahagi ng F4 member ang litrato ng dalawang magkahawak na kamay at mayroong magkaparehong singsing.
 
Sa isang bahagi ng caption, sinabi ni Vanness na maraming biyayang dumating sa kanya ngayong 2026, kasama na rito ang makapag-tour muli ang F4 at makapag-perform.
 
At ngayon nga aniya ay biniyayaan siya na makasama ang pinakamahalagang tao sa kanyang buhay.
 
Ayon sa Taiwanese publication na Mirror Media, nag-release ang record company ni Vanness na B’in Music ng congratulatory message para sa artist at sa kanyang misis.
 
Si Vanness ay dating ikinasal sa Singaporean heiress na si Arissa Cheo, subalit naghiwalay sila noong 2018.

About The Author