dzme1530.ph

28 SIBILYAN, PATAY SA PAG-ATAKE NG PAKISTAN SA AFGHANISTAN

Loading

Hindi bababa sa dalawampu’t walong sibilyan ang nasawi matapos maglunsad ng air strikes ang Pakistan at magpadala ng tropa sa Afghan provinces sa kahabaan ng kanilang border.
 
Ayon sa United Nations Afghan Mission, apatnapu’t siyam na iba pa ang mga nasugatan, kabilang ang mga babae at mga bata.
 
Tinawag naman ng Taliban government ng Afghanistan ang naturang pag-atake sa mga kabahayan bilang “cowardly act” at “atrocity.”
 
Samantala, kinumpirma ng Pakistan na tinarget nila ang hideouts ng mga rebelde sa Paktia, Paktika, at Kunar provinces sa Afghanistan.

About The Author