dzme1530.ph

₱85 PER DAY NA WAGE HIKE SA NCR, PINALAGAN NG IBA’T IBANG LABOR GROUPS

Loading

UMALMA ang iba’t ibang labor groups sa pahayag ni Labor Sec. Francis “Tol” Tolentino na “historic” ang P85 per day dagdag sahod ng mga arawang manggagawa sa NCR.
 
Ayon sa TUCP, historic ang announcement ni Tolentino dahil bukod sa grossly inadequate ito sa pangangailangan ng mga manggagawa, ‘hulugan pa ito at tatagal ng ilan buwan bago makumpleto ang 85 pesos.
 
Ang tunay aniyang ‘historic’ sa umentong ito ay hindi ang laki kundi ang “kapal ng mukha” na tawagin pa ito ng Kalihim na “makasaysayan.”
 
Itinapat pa aniya ang announcement sa mismong araw na dinidinig ng House Committee on Labor and Employment ang proposed P200 nationwide wage increase bill.
 
Ayon naman sa KMU, “napakaliit na, hulugan pa!”
 
Hindi man lang aniya maikukumpara ang 85 pesos dagdag sahod sa itinaas na presyo ng bilihin at bayarin dahil sa Middle East crisis.
 
Mula sa P695 na arawang kita ngayon, magiging P780 na ito.
 
Pero sigaw ng KMU, malayo ito sa P1,305 na dapat na kita o nakabubuhay na sweldo ng mga manggagawa sa bansa.

About The Author