![]()
Makalipas ang anim na taon, gumagana na ang Sunog Apog Pumping Station sa Tondo, Maynila upang makatulong na maibsan ang pagbaha sa lugar.
Sa social media post, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na sa loob ng anim na buwang pagtutulungan ay operational na ang naturang pumping station.
Ang operasyon ng Sunog Apog ngayong Hunyo ay mas maaga sa July deadline na itinakda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Noong 2025 ay ipinatigil ni Dizon ang pagkukumpuni sa pumping station matapos madiskubre na hindi ito gumagana simula noong 2017 dahil sa umano’y mga iregularidad.
Sunog Apog Pumping Station sa Tondo, Maynila, operational na makalipas ang anim na taon.