dzme1530.ph

GURO, PATAY; 17, SUGATAN MATAPOS MAHULOG SA BANGIN ANG SINASAKYANG ELF TRUCK SA QUIRINO

Loading

Patay ang isang guro habang labimpitong iba pa ang nasugatan nang mahulog ang sinasakyan nilang elf truck sa bangin sa bayan ng Natipunan sa Quirino.
 
Patungo ang grupo sa Dipaculao, Aurora nang mangyari ang aksidente.
 
Bigla umanong nawalan ng preno ang sasakyan habang binabagtas ang pakurbang bahagi ng kalsada, dahilan para dumiretso ito at bumulusok sa bangin.

About The Author