![]()
KUMBINSIDO si Senador Panfilo Lacson na maraming dapat ibulgar si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan kaugnay sa anomalya sa mga flood control projects.
Sinabi ni Lacson na dapata tanungin si Bonoan sa usapin ng allocables hanggang sa anomalous flood control at iba pang depektibong infrastructure projects, gayundin ang P500 million na kapalit ng kanyang kumpirmasyon sa Commission on Appointments bilang DPWH secretary noong November, 2022.
Dahil anya sa plano ng Ombudsman na gamitin si Bonoan bilang state witness, marami sa kanyang mga direktang naka-transaksyon ang natatakot na.
Naninidigan naman si Lacson na dapat talaga mayroong restitution o pagbabalik ng ninakaw na pera bago siya tanggaping state witness.
Ibabatay anya ang hal;aga sa mga testimonya ng iba pang resource persons kung saan kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo pa lamang ay mayroon nang P1 bilyong pinag-uusapan bukod pa sa sinasabing SOP mula sa iba pang opisyal ng DPWH.
Una nang kinumpirma ni Ombudsman Boying Remulla na mayroon na silang nilagdaang kasunduan ni Bonoan para siya ay makipagtulungan sa kaso bilang state witness.
