dzme1530.ph

SLOGAN NA “LOVE THE PHILIPPINES” NG DOT, HINDI PAPALITAN

Loading

NILINAW ng Department of Tourism na walang babaguhin sa slogan ng DOT taliwas sa mga ulat na papalitan ito ng “Discover More to Love”.
 
Kinumpirma ni Tourism Secretary Dita Angara Mathay na mananatili ang kasalukuyang tourism slogan ng ating bansa ang “Love the Philippjnes”.
 
Ayon sa DOT ang inilabas na “Discover More to Love” ay isang domestic tourism campaign lamang ng DOT at hindi nito nais palitan ang kasalukuyang slogan.
 
Layunin lamang ng kampanya na mas mapataas pa ang domestic tourism ng pilipinas upang hindi lamang ang mga dayuhan ang mismong mag-enjoy sa mga ipinagmamalaking mga tourism spot ng ating bansa bagkus mismong mga Pilipino ang makakita ng mga ito.

About The Author