![]()
Apat pang kilalang private prosecutors ang nadagdag sa hanay ng mga abogadong tutulong sa Kamara sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Kabilang sa mga ito sina Atty. Theodore Te, Atty. Reynaldo Robles, Atty. Arnold Labay, at Atty. Mae Divinagracia.
Itinalaga rin si dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers bilang karagdagang tagapagsalita at impeachment adviser ng prosecution.
Ayon kay Rep. Leila de Lima, malaking tulong ang pagdating ng apat na batikang abogado sa presentasyon ng kaso sa impeachment court.
Si Te ay dating Public Information Chief ng Korte Suprema at naging interim chairperson ng Free Legal Assistance Group (FLAG), ang pinakamatandang network ng human rights lawyers sa bansa.
Si Robles naman ay founding at managing partner ng Chan Robles & Associates, na may malawak na karanasan sa criminal at civil litigation, corporate law, election law, labor and employment law, taxation, at public-private partnership.
Si Atty. Labay ay isang CPA-lawyer at senior partner ng Chan Robles & Associates Law Firm. Naging managing partner at litigation lawyer din siya ng Labay Madamba Piccio Law Offices mula 1997 hanggang 2023.
Samantala, si Divinagracia ay managing partner ng Co Nazario Velasco-Catera and Divinagracia Law Offices.