![]()
NABABAHALA si Senador Imee Marcos na maapektuhan ang legislative work ng Senado kung aabutin ng pito hanggang walong buwan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Marcos na masyadong matagal ang pito hanggang walong buwang paglilitis.
Una nang sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na, batay sa hiling na trial days ng prosecution na 62 araw at 30 araw naman ng defense, posibleng tumagal hanggang Pebrero ang paglilitis.
Iminungkahi ni Marcos na ipatupad ang one-day examination of witness rule upang mabawasan ang bilang ng mga araw ng paglilitis.
Sa pananaw ng senadora, hindi na aabot sa mahigit 90 ang mga testigong ihaharap ng prosecution at defense kung susundin ang naturang patakaran.
Aniya, kung maipatutupad ito, posibleng hindi na umabot sa 90 araw ang kabuuang paglilitis.
