dzme1530.ph

SENADO, MAGSASAGAWA NG KOMPREHENSIBONG REVIEW SA IMPLEMENTASYON NG JUVENILE JUSTICE LAW

Loading

MAGSASAGAWA ng komprehensibong pagsusuri sa pagpapatupad ng Republic Act 9344, o ang “Juvenile Justice and Welfare Act of 2006,” ang Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, sa pamumuno ni Senador Erwin Tulfo.
 
Bunsod ito ng sunod-sunod na high-profile cases na kinasangkutan ng mga menor de edad, kabilang ang insidente ng pamamaril sa Tacloban at mga kaso ng pananaksak sa Negros Occidental at lalawigan ng Cavite.
 
Binigyang-diin ng mambabatas na ang pagsusuri ay matagal na niyang isinusulong bago pa man siya pumasok sa gobyerno.
 
Tututukan ng komite ang kakulangan ng mga functional na pasilidad ng Bahay Pag-asa, ang epekto ng mga intervention programs para sa mga Children in Conflict with the Law at Children at Risk, at ang pagpapatupad ng mahigpit na pananagutan sa mga magulang.
 
Muli ring bubuklatin ng komite ang mga kontrobersyal na probisyon ng batas, partikular ang itinakdang edad para sa criminal liability.
 
Nilinaw naman ni Tulfo na ang layunin ng komite ay ayusin ang sirang sistema upang mabigyan ng katarungan ang mga biktima habang ginagabayan sa tamang rehabilitasyon ang mga menor de edad.

About The Author