![]()
Posibleng abutin ng pito hanggang walong buwan ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na ito ay kung pagbabatayan ang hinihinging trial days ng House Prosecution Team at Defense Team sa presentasyon ng kanilang mga testigo at ebidensya.
Sinabi ni Gatchalian na hindi sa haba ng pagdinig nakabatay ang desisyon kundi sa salatag mismo ng mga argumento at testigo sa impeachment court.
