dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, INATASAN ANG MGA AHENSYA NA TUKUYIN ANG UGAT NG MGA KARAHASAN SA MGA PAARALAN

Loading

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensya ng pamahalaan na tukuyin ang ugat ng sunod-sunod na mararahas na insidente sa mga paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
 
Sinabi ni Palace Press Office Undersecretary Atty. Claire Castro na labis na nasaktan ang kalooban ng Pangulo sa nangyaring pamamaril sa paaralan sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante.
 
Ngayon ding Hunyo ay may naiulat na magkahiwalay na insidente ng pananaksak sa mga paaralan sa Cavite at Negros Occidental.
 
Inihayag ni Castro na hindi na katanggap-tanggap ang mararahas na nangyayari sa bansa, lalo na kung kabataan ang nasasangkot.
 
Binigyang-diin ng Palace official ang pangangailangang arugain ang kabataan at tukuyin ang sanhi ng karahasan sa mga eskuwelahan, kabilang na ang posibleng impluwensiya ng online.

About The Author