dzme1530.ph

MAHIGIT 80 PINOY SEAFARERS NA LULAN NG PHILIPPINE FLAGSHIP VESSELS, NANANATILING STRANDED SA STRAIT OF HORMUZ

Loading

Mayroon pang 81 Filipino seafarers sa apat na Philippine-flagged vessels na stranded pa rin sa Strait of Hormuz, ayon sa Maritime Industry Authority (MARINA).
 
Sa press briefing, sinabi ni MARINA Administrator Sonia Malaluan na ligtas ang mga stranded na Pinoy at nabigyan ng mga pangangailangan, gaya ng mga pagkain at inuming tubig.
 
Aniya, tiniyak sa kanila na maayos ang kalagayan ng seafarers, maliban sa nararamdaman nilang takot at anxiety.
 
Ayon kay Malaluan, mayroon ding mga Pinoy na lulan ng foreign-flagged vessels na stranded sa Black Sea, Red Sea, Persian Gulf, Gulf of Oman, at Strait of Hormuz.
 
Idinagdag ng MARINA chief na mula sa 20,000 seafarers na stranded, 20 percent ay mga Pilipino.

About The Author