dzme1530.ph

MARIS RACAL, NASUNGKIT ANG KANYANG UNANG BEST ACTRESS AWARD

Loading

Panibagong milestone sa kanyang career ang nakamit ni Maris Racal matapos masungkit ang unang Best Actress award.
 
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng aktres ang kanyang litrato habang hawak ang Best Lead Performance of 2025 trophy para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang “Sunshine” sa 6th Pinoy Rebyu Awards ng Society of Filipino Film Reviewers.
 
Ang “Sunshine” na idinirek ni Antoinette Jadaone ay una nang nanalo ng Crystal Bear for Best Film sa 75th Berlin International Film Festival noong February 2025.
 
Ipinalabas ang naturang pelikula sa Pilipinas noong Hulyo ng kaparehong taon.

About The Author