![]()
Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang Ateneo basketball star na si Rebe Clert “Bebot” Baterbonia.
Aabot sa limang libong katao ang nakipaglibing kay Rene sa kanyang hometown sa Talacogon, Agusan del Sur, kahapon.
Inilibing si Rene sa bagong bukas na Talacogon Municipal Memorial Park, mahigit dalawang linggo mula nang malunod ito sa gitna ng team building session sa Aurora noong June 8.
Kasamang nasawi ng 18-year-old cager ang kapwa Ateneo Blue Eagle player na si Divine Adili na iniuwi ang labi sa Nigeria.
