![]()
Hindi nakadepende sa presiding officer ng impeachment court ang magiging hatol sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Atty. Lorna Kapunan, isa sa mga miyembro ng private prosecution team, na mananalo ang kaso batay sa bigat ng mga ebidensyang ihaharap.
Inihayag din ni Kapunan na ang pagnanais na matuldukan na ang pang-aabuso sa kapangyarihan at mga ilegal na gawain ng Bise Presidente ang nagtulak sa kanyang tanggapin ang pagiging bahagi ng private prosecution team.
Sinabi ni Kapunan na sa tagal na niyang litigation lawyer ay ngayon lamang niya nakita ang ganito kabigat na paglabag sa batas ng isang mataas na opisyal ng bansa.
