dzme1530.ph

Modus ng mga Chinese National sa isang gusali sa Pasay City, nabulgar

Nabulgar ang iligal na aktibidad ng grupo ng mga Chinese national na nag ooperate sa apat na palapag na gusali sa William St. Corner ng FB Horizon sa Pasay City.

Sa impormasyon, 17 mga Chinese ang nagsisilbing bantay sa mga empliyadong kapwa Chinese ang nagtatrabaho bilang online scammers na nambibiktima sa kapwa nila Chinese sa bansang China.

Nabuko ang modus ng mga Chinese National kasunod ng reklamo ng isang kababayan Chinese na umano’y hindi pinapayagang umalis sa trabaho ang kaibigan nito dahil hindi na umano makayanan ang uri ng trabaho nito bilang scammer.

Dahil dito agad na tinungo ng mga pulis Pasay ang lugar para alamin kung totoo ang sumbong, subalit bigo ang mga pulis na ma-rescue ang biktima.

Nalaman nalang kinabukasan na wala na sa lugar ang kaibigan ng complainant at nangangamba ito na baka binugbog o pinaslang ang kaibigan.

Nabatid na ang nasabing gusali ay may permit para sa Educational Institution at may pangalan na Pear Tree Academy kung saan kabaligtaran sa nakarehistrong pangalan ng gusali sa Pasay BPLO. —sa ulat ni Tony Gildo

About The Author