dzme1530.ph

DEATH TOLL SA GUMUHONG GUSALI SA ANGELES CITY, 13 NA

Loading

Labintatlo na ang kumpirmadong nasawi sa gumuhong gusali sa Angeles City, Pampanga.
 
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Region 3, isa pang bangkay ang narekober ng mga rescuer kaninang ala-una ng hapon sa gitna ng isinasagawang search, rescue, and retrieval operations.
 
Sa pinakahuling tala ng mga awtoridad, 27 ang nailigtas mula sa trahedya habang pito pa ang nawawala.
 
May 24 nang mag-collapse ang siyam na palapag na ginagawang building sa Barangay Balibago sa Angeles City.

About The Author