dzme1530.ph

DEATH TOLL SA GUMUHONG GUSALI SA ANGELES CITY, PAMPANGA, UMAKYAT NA SA 12

Loading

Sumampa na sa labing-dalawa ang death toll sa bumagsak na ginagawang building sa Angeles City, Pampanga.
 
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Central Luzon, narekober ang katawan ng ika-labindalawang biktima, kaninang pasado alas-kwatro matapos matagpuan bago mag-alas-onse kagabi.
 
Simula kahapon ng umaga hanggang kagabi, narekober ng mga awtoridad ang mga labi ng ika-pito hanggang ika-labing-isang biktima ng trahedya na nangyari noong May 24.
 
Sa kasalukuyan, 27 mula sa 47 na biktima ng gumuhong building ang nasagip habang walo pa ang nananatiling nawawala.

About The Author