dzme1530.ph

CONGW. LEILA DE LIMA, UMALMA SA PAGKUKUMPARA NG SITWASYON NYA NOON SA KASO NGAYON NI SEN DELA ROSA

Loading

Umalma si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima sa pagkukumpara ng sitwasyon niya noon at sa sitwasyon ngayon ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
 
Aniya, dapat mahiya at kilabutan ang mga nagsasabi na magkaparehas lang ang pinagdaanan niya noon at kung sino man ang gustong pagbigyan ngayon.
 
Ani De Lima, maliwanag na kasinungalingan ang naratibo ng Senate Majority Bloc dahil mapayapa siyang humarap at nagpaaresto sa mga otoridad.
 
“Hindi ako nagpakalong sa Senado, hindi ako nagdulot ng gulo, hindi ako tumakas, at lalong hindi ko inilagay sa peligro ang buhay ng maraming tao.”
 
Bagama’t totoo na nagsulong ng resolusyon ang ilang senador noon para payagan siyang makilahok sa hearings at plenary deliberations via teleconferencing, hindi naman ito kailan man inaprubahan kahit noong COVID-19 pandemic na inamyendahan ang rules sa Senado.
 
Isa pa umano sa mahalagang aspeto ay walang railroading o shortcuts sa pag-amyenda sa Senate rules noon.

About The Author