![]()
HINDI na interesado pa si Senador Panfilo Lacson na pamunuan o kahit maging vice chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Sinabi ni Lacson na kahit ialok pa sa kanya na maging vice chairman ng kumite ay hindi na niya ito tatanggapin.
Aminado ang senador na dahil sa pagtupad niya sa trabaho bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee at pagsisiyasat sa flood control scandal, nadagdagan ang kanyang kaaway at nabawasan ang kanyang kaibigan.
Muli rin niyang inalmahan ang mga alegasyon na mayroon siyang prinotektahan sa imbestigasyon partikular si dating House Speaker Martin Romualdez.
Sinabi ni Lacson na hindi sila close ni Romualdez kaya’t wala siyang dahilan upang protektahan ito sa imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects
Nanindiga ang senador na lahat ng kanyang aksyon at rekomendasyon ay batay lamang sa mga ebidensya at testimonya na lumabas sa mga pagdinig ng kumite.
