![]()
Inanunsyo ni Alex Gonzaga na buntis na siya sa panganay nila ng kanyang mister na si Mikee Morada, matapos ang tatlong miscarriages.
Ibinahagi ng 38-year-old actress-vlogger ang magandang balita sa kanyang social media pages, kasama ang video ng pregnancy journey nilang mag-asawa.
Sa caption ng kanyang post, sinabi ni Alex na makalipas ang almost 6 years of marriage and 3 heartbreaking losses, hindi nawala ang kanilang pananampalataya at paunti-unti nilang isinuko ang lahat sa Panginoon.
Aniya, habang naghahanda sila para sa in vitro fertilization, biniyayaan sila ng Diyos ng natural pregnancy.
Idinagdag ni Alex na by God’s grace, natupad ang kanilang panalangin at sa wakas ay magiging mommy at daddy na sila ni Mikee.
Umapela rin ang social media influencer sa kanyang followers na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa kanyang ligtas at malusog na pagbubuntis hanggang sa maisilang niya ang kanyang anak.
