![]()
Idineklara ng Malakanyang ang May 27, 2026, araw ng Miyerkules, bilang regular holiday sa buong bansa, bilang paggunita sa Eid’l Adha o the Feast of Sacrifice.
Alinsunod ito sa Proclamation No. 1264 na inilabas ng Office of the Executive Secretary, kahapon.
Ayon sa proklamasyon, ang Eid’l Adha ang isa sa dalawang malaking kapistahan ng Islam.
Sa Republic Act No. 9849 unang idineklara ang 10th day ng Zhul Hijja, sa 12th month ng Islamic calendar, bilang national holiday sa paggunita ng Eid’l Adha, na mayroong movable date.
Idinagdag sa proklamasyon na kasunod ng 1447 Hijrah Islamic Lunar Calendar, inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos na ideklara ang May 27, 2026 bilang national holiday.
