dzme1530.ph

PNP AT NBI, INATASAN NA ARESTUHIN SI SEN. BATO DELA ROSA NA ITINUTURING NA PUGANTE, AYON SA DOJ

Loading

Kinumpirma ni Justice Secretary Freddereick Vida na inatasan ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
 
Sa press briefing, sinabi ni Vida na si dela Rosa ay pugante at dapat dalhin sa International Criminal Court (ICC) para harapin ang kanyang mga kaso.
 
Aniya, alinsunod ito sa “validly issued” na arrest warrant ng ICC laban sa senador.
 
Si dela Rosa ay inakusahan na co-conspirator sa crimes against humanity charges kaugnay ng mga pagpaslang sa war on drugs ni Rodrigo Duterte noong ito ay mayor ng Davao City at nang maging pangulo ng Pilipinas.
 
Una nang ibinasura ng Korte Suprema ang hirit ni Bato na temporary restraining order at status quo ante order kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya batay sa warrant na inilabas ng ICC.

About The Author