![]()
ISA sa nais malaman ni Senador Erwin Tulfo sa ikakasang imbestigasyon ng Senate Committee of the Whole kaugnay sa kaguluhan sa Senado ay ang naging partisipasyon ni Senador Robinhood Padilla sa pagtakas ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Sinabi ni Tulfo na nais niyang itanong ni Padilla kung totoo ang lumabas na footages na magkasama sila ni Bato na umalis ng Senado.
Pagkakataon din anya ito para kay Padilla na magpaliwanag at dipensahan ang sarili.
Samantala, sinabi ni Tulfo na dapat ding magpaliwanag si Suspended Chief ng OSAA Gen. Mao Aplasca sa insidente dahil siya ang Ground Commander at siya ang pinagmulan ng lahat ng mga Reports.
Kung ang report niya kay Senate President Alan Peter Cayetano ay under attack ang Senado ay tiyak na yan ang linya ng lider ng Senado.
Ngunit ipinagtataka ng Senador na sa halip na i-secure ng mga OSAA , Marines at PNP PSPG ang kuwarto kung saan nagtipon ang mga Senador ay Concentrated sila sa Pasilyo kung saan nagpaputok ng Baril si Aplasca.
Iginiit pa ni Tulfo na sa pagsisimula ng impeachment trial ay dapat tiyakin ng OSAA na kaya nilang bantayan ang Senado at matiyak ang seguridad ng mga Senador.
