dzme1530.ph

CRISTINE REYES AT DATING NYC CHAIRPERSON GIO TIONGSON, ENGAGED NA

Loading

Handa nang i-level up nina Cristine Reyes at dating National Youth Commission (NYC) Chairperson Gio Tiongson ang kanilang relasyon.
 
Sa joint Instagram post, inanunsyo nina Cristine at Gio na sila ay engaged na, kasabay ng pagbabahagi ng mga litrato ng kanilang bakasyon sa Hong Kong.
 
Kabilang na rito ang isang larawan kung saan “i-flinex” ng aktres ang kanyang engagement ring with circular diamond.
 
Tikom naman ang bibig ng magkasintahan kung paano nag-propose si Gio, subalit lumalabas na tila sa Hong Kong na-engage ang dalawa base sa mga litrato.
 
Sa caption ng kanilang post, nakasaad ang “Every timeline led here. Endgame unlocked.”
 
Tumanggap ang couple ng pagbati mula sa mga kaibigan at kasamahan ni Cristine sa showbiz, kabilang sina Iza Calzado, Alessandra de Rossi, Alex Gonzaga, Carla Abellana, Dominic Roque, Dianne Medina, Isabelle Daza, Nikki Valdez, Luis Alandy, at Ryza Cenon.

About The Author