dzme1530.ph

DOTR, NAKAKUHA NG 3.6-BILLION PESO FINANCING PARA MABAYARAN ANG MGA OBLIGASYON SA LRMC

Loading

Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na inaprubahan ang kanilang ₱3.6-bilyong facility ng Land Bank of the Philippines upang mabayaran ang kanilang obligasyon sa Light Rail Manila Corp. (LRMC), na operator ng LRT-1.
 
Sinabi ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, na umaasa silang sa pamamagitan nito ay magkaroon ng karagdagang improvements sa kanilang services.
 
Aniya, dahil sa credit line agreement sa LandBank, matutustusan nila ang financial obligations sa LRMC upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo.
 
Una nang inihayag noong Pebrero ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na ipino-proseso nila ang loan sa LandBank para mabayaran ng gobyerno ang ₱4-bilyong obligasyon sa private concessionaire.

About The Author