dzme1530.ph

HOUSE PROSECUTORS, SUMAILALIM SA SEMINAR BAGO ANG IMPEACHMENT TRIAL

Loading

Habang hindi pa nagsisimula ang trial sa impeachment court, sumasailalim muna sa seminar ang mga House prosecutors.
 
Ibinahagi ni Prosecutor Terry Ridon ang inisyatiba ni Cong. Chel Diokno na ipaliwanag sa iba pang House prosecution panel ang rules of procedure at ebidensya.
 
Tinawag nila ito na “Prosecutors learning from prosecutors.”
 
Si Cong. Diokno ang lumilitaw na may pinakamatagal na karanasan sa court hearing o litigation sa hanay ng prosecutors.
 
Bukod kay Diokno ng Party-list Akbayan, nagbigay din ng inputs si Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima.
 
Inaamin naman ni lead prosecutor Gerville Luistro na bagaman lahat sila ay abogado, ngunit karamihan sa kanila ay matagal nang huminto sa practice kaya kailangan nila ang refresher mula sa mga kasamahan at sa ilang private lawyers na bihasang-bihasa sa litigation.

About The Author