dzme1530.ph

SENATE SERGEANT-AT-ARMS, NAAAWA KAY SENADOR BATO DELA ROSA

Loading

Naging emosyonal si Senate Sgt. at Arms Mao Aplasca nang ilahad ang kanyang nararamdam sa sitwasyon ngayon ng kanyang kaklase na si Senador Ronald Bato dela Rosa.
 
Sinabi ni Aplasca na naaawa siya kay dela Rosa dahil ramdam niya ang frustration ng senador na sa kabila ng kanyang mga sakripisyo noon sa police service ay ganito ang kanyang sinasapit ngayon.
 
Inamin din ni Aplasca na nalulungkot siya na umalis sa kanilang kustodiya si dela Rosa dahil hindi na niya alam ngayon kung paano poprotektahan ang kanyang mistah sa PMA Class 86.
 
Una na ring kinumpirma ni Aplasca na nagpahayag si dela Rosa ng kahandaan na magpakustodiya sa PNP.

About The Author