dzme1530.ph

IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY VP SARA DUTERTE, MAY MATIBAY NA BATAYAN

Loading

Kumpiyansa si Deputy Speaker at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin na matibay ang mga alegasyon laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Garin na batay sa mga dokumentong lumabas malakas ang probability laban sa Bise Presidente.

Kasabay nito, sinabi ni Garin na tiwala siyang mananaig sa mga senador ang kanilang mandato sa impeachment trial at gagawin ang nararapat para sa kapakanan ng bansa.

About The Author