![]()
AALAMIN ni Senate Committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo mula sa Department of Foreign Affairs ang naging pag-atake ng Iran sa isang Maltese-flagged container ship na may lulan na 24 na Pinoy seafarers sa Strait of Hormuz noong May 5.
Sa impormasyon, pito ang sugatan kung saan tatlo ang malubha sa pag-atake ng isang drone, na pinaghihinalaan na galing sa Iran, sa nasabing container ship.
Sinabi ni Tulfo na gusto niyang marining ang dahilan kung bakit inatake ng Iran ang naturang barko gayong may unawaan nang papayagan maglayag sa Strait of Hormuz ang mga barko na may Filipino seafarers.
Hihilingn ng senador kay DFA Secretary Tess Lazaro na kausapin ang Iranian Embassy at alamin kung valid pa ang pangako na hindi gagalawin ang mga Pinoy seaman na dumadaan sa Strait of Hormuz.
Sinabi ni Tulfo na nagpapasalamat siya sa Republic of Iran sa naging kasunnduan noong isang buwan kung saan mahigit 1,000 Filipino seafarers ang ligtas nang nakadaan sa Strait of Hormuz.
Ayon pa sa senador dahil sa nasabing insidente noong May 5, maraming mga Pinoy seaman ang stranded ngayon sa Strait of Hormuz.
Nangako naman si Lazaro na makikipagpulong kay Iranian Ambassador to the Philippines Yousef Esmaeilzadeh upang alamin kung active pa rin ang kasunduan na “safe passage” para sa mga Filipino seafarers sa Strait of Hormuz.
