![]()
Inasahan na ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang desisyon ng House Committee on Justice na nagdeklarang may probable cause ang impeachment complaints laban sa Bise Presidente.
Ayon kay Atty. Michael Poa, legal counsel ni Duterte, sa naging takbo ng pagdinig ng kumite ay malinaw na ang direksyon ng desisyon.
Nanindigan si Poa na malayo sa disenyo ng Konstitusyon ang naging pagtalakay ng kumite.
Sa halip anya na tumutok lamang sa verified complaints at mga attachments, lumawig ang hearing sa mga usapin na dapat ay sa full trial na ginagawa.
Kahapon, unanimous ang naging boto ng mga miyembro ng House Justice Committee na may probable cause ang dalawang impeachment complaints laban kay VP Sara.
Nagkaisa rin ang mga kongresista na i-consolidate ang dalawang reklamo sa isang articles of impeachment.
