![]()
Itinanggi ni Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima na kabilang siya sa umano’y natawagan ni Majority Leader Sandro Marcos para utusang bomoto pabor sa impeachment ni VP Sara Duterte.
Ayon kay de Lima, miyembro siya ng komite subalit wala siyang alam kung totoo ang tsismis na ito.
Posible umanong paninira lamang ito sa mga kongresista na naninindigan sa reklamo laban sa Pangalawang Pangulo.
Tiwala ang Senior Deputy Minority Leader na matibay ang mga ebidensya laban sa respondent, at nakita na umano ito hindi lamang ng mga kasapi ng komite kundi ng sambayanang Pilipino.
Sa Lunes, May 4, inaasahan na maisasalang na sa plenary ang committe report kaakibat ang corresponding resolution of Articles of Impeachment para pagbotohan ng buong Kamara.
