dzme1530.ph

ANO NGA BA ANG TAMANG POSISYON SA PAGTULOG, ALAMIN

Loading

Mahalaga ang tamang posisyon sa pagtulog upang mapanatili ang maayos na kalusugan at maiwasan ang iba’t ibang sakit ng katawan.
 
Isa sa mga inirerekomendang posisyon ang pagtulog nang nakahiga sa tagiliran.
 
Nakatutulong ito sa mas maayos na paghinga at pagbabawas ng hilik, at maaari ring makabawas sa acid reflux o pananakit ng sikmura.
 
Pinapayuhan naman ang mga may problema sa likod na matulog nang nakahiga sa likod (on your back) na may unan na sumusuporta sa ulo at tuhod.
 
Nakatutulong ito upang mapanatiling diretso ang spine at mabawasan ang pananakit ng katawan paggising.
 
Hindi naman inirerekomenda ang pagtulog nang padapa dahil maaari itong magdulot ng pananakit sa leeg at likod, at mahirap din ang maayos na paghinga sa ganitong posisyon.
 
Binibigyang-diin ng mga doktor na hindi lamang posisyon ang dapat bigyang-pansin, kundi pati ang kalidad ng kutson at unan, gayundin ang regular na oras ng pagtulog.

About The Author