dzme1530.ph

ZALDY CO, WALA NA SA KUSTODIYA NG CZECH REPUBLIC, AYON SA DOJ

Loading

Kinumpirma ni Justice Secretary Frederick Vida na wala na sa kustodiya ng Czech Republic si dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co.

Ginawa ni Vida na kasalukuyang nasa Prague, ang kumpirmasyon matapos makipagpulong sa Czech officials.

Sinabi rin ng kalihim na bagaman kumilos ang gobyerno ng Pilipinas sa abot ng kanilang makakaya ay limitado lamang ang magagawa nila.

Ito aniya ay dahil kailangan din nilang igalang ang mga batas ng bawat bansang sangkot.

Idinagdag ni Vida na bagaman hindi nila alam ang eksaktong lokasyon ni Co, mayroon aniya silang workable intel na nasa Schengen Area sa Europe ang dating mambabatas.

About The Author