dzme1530.ph

ILANG RELIGIOUS GROUPS, NANAWAGAN KAY VP SARA NA SAGUTIN SA KAMARA ANG MGA AKUSASYON SA IMPEACHMENT PROCESS

Loading

Lumantad ang ilang religious groups para ipanawagan kay Vice President Sara Duterte na magpakita na ito sa Kamara at sagutin ang mga akusasyon sa impeachment process.

Sa sulat ng Iglesia Filipina Independiente ng Diocese of Northern Isabela na pirmado ni Alvin Valera, ang hindi pagsipot ni VP Sara ay pagtalikod sa pagkakataong maipagtanggol nito ang sarili sa mga paratang.

Ganyan din ang panawagan ng Institute for Studies in Asian Church and Culture.

Ayon sa ISACC, umaapila sila sa Pangalawang Pangulo na panindigan ang isinumpaang tungkulin at maging accountable sa taumbayan sa pamamagitan ng pagharap sa House investigations, sagutin ang mga paratang sa halip na magtago sa technicalities.

Nanindigan ang religious groups na seryoso ang akusasyon gaya ng maling paggamit sa P612.5-M confidential at intelligence funds, gaps sa SALN at kita ni Atty. Mans Carpio, AMLC reports at banta ng pagpatay sa PBBM, First Lady Liza Marcos, at former Speaker Martin Romualdez.

Ang ISACC at Iglesia Filipina Independiente ay isang research and training organization na engaged sa pag-develop ng missiology at cross-cultural studies sa Asia.

About The Author