dzme1530.ph

KRIS LAWRENCE, NAGSALITA NA SA TUNGKOL SA ISYUNG NAGKABALIKAN UMANO SILA NI KATRINA HALILI

Loading

Inamin ni Kris Lawrence na hindi sila nagkabalikan ng dating partner na si Katrina Halili, taliwas sa hinala ng netizens.
 
Una nang lumabas sa social media ang mga larawan na magkasama ang dalawa, kasama ang kanilang anak na si Katie, sa kanilang biyahe sa El Nido, Palawan.
 
Malaki naman ang pasasalamat ng R&B singer na nagkaroon silang muli ni Katrina ng pagkakataon na magkasama, bagay na nakatulong aniya sa kanilang anak.
 
Idinagdag ni Kris na co-parenting sila ngayon ni Katrina para kay Katie.
 
Inilarawan naman ng aktres ang kanilang El Nido trip bilang “reset of their friendship.”
 
Kapwa rin inamin ng dalawa na parehas sila ngayong single.

About The Author