![]()
Tumaas ang bilang ng mga botanteng pabor kay dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo para sa presidential race sa 2028.
Ito ay sa kabila ng patuloy na pangunguna ni Vice President Sara Duterte sa 2028 presidential race survey.
Sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research mula March 19 hanggang 25, lumitaw na 46 percent ang nakuhang voter preference ni Duterte.
Tumaas naman sa 35 percent ang voter preference para kay Robredo habang 19 percent pa ang undecided.
Ang survey ay batay sa face-to-face interviews sa 1,200 respondents.
Ayon sa OCTA, ang resulta ng survey na ito ay maituturing na hypothetical snapshot ng public sentiment subalit hindi dapat i-interpret bilang prediction ng kalalabasan ng halalan.
