dzme1530.ph

20 patay matapos uminom ng nakalalasong alak sa India

Patay ang 20 indibidwal habang 6 ang nasa kritikal na kalagayan matapos uminom ng nakalalasong alak sa isang distrito sa India.

Ayon sa mga otoridad isang tangke ng alak ang ipinamahagi sa local traders sa Motihari na nagdulot ng pagkamatay ng ilang residente doon.

Dahil dito nagprotesta ang mga taga-oposisyon laban kay Chief Minister Nitish Kumar bunsod na rin ng unang report kaugnay sa 40 nasawi dahil pa rin sa nakalalasong alak sa distrito ng Saran.

Taong 2016 nang ipagbawal ng gobyerno ng Bihar ang alak sa estado, dahil sa serye ng pagkamatay na naiulat mula sa Lakshmipur, Paharpur, at Harsiddhi blocks ng Motihari. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author