dzme1530.ph

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION, HANDA SA EL NIÑO AT LA NIÑA

Loading

Hindi lang El Niño ang pinaghahandaan ng National Irrigation Administration o NIA kundi maging ang La Niña.
 
Sa panayam ng DZME Radyo TV, sinabi ni NIA Administrator Eduardo Guillen na ito ang dahilan kaya’t ipinatutupad na nila ang climate-smart agriculture.
 
Ito ay may kaugnayan sa pag-aadjust ng cropping calendar upang makatipid ng tubig kaya itinatapat ang maayos na klima sa pagtatanim at pag-ani.
 
Sinabi ni Guillen na noong una ay nahirapan silang kumbinsihin ang mga magsasaka sa pagbabago ng cropping season subalit nang makita ang benepisyo ay sinuportahan na nila ito.
 
Patuloy din aniya ang isinusulong ng NIA na contract farming upang matulungan ang mga magsasaka.

About The Author