![]()
Tiniyak ng Manila Water na kaya nilang tugunan ang water demand ng kanilang mga siniserbisyuhang lugar kahit pa dumating ang El Niño.
Sa panayam ng DZME Radyo TV, sinabi ni Manila Water Spokesperson Jeric Sevilla na marami na silang mga proyekto para madagdagan ang sources nila ng tubig na naisakatuparan kaya’t hindi lamang sila sa Angat Dam umaasa ng suplay ng tubig.
Kabilang sa mga proyektong binanggit ni Sevilla ang Cardona Water Treatment Plant na kumukuha ng tubig sa Laguna Lake; ang unang bahagi ng Eastbay Water Supply Project; ang unang bahagi ng Wawa-Calawis Water System; at ang pag-take over sa Upper Lawa Dam.
Sinabi ni Sevilla na ang kanilang mga proyekto ay bahagi ng kanilang long-term plan at paghahanda sa inaasahang patuloy na pagtaas ng demand sa water supply.
