dzme1530.ph

MALING PAGTATAPON NG BASURA, PLANO NG MMDA NA ISAMA SA NCAP

Loading

Sasaklawin na rin ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) ang improper waste disposal na na-monitor sa pamamagitan ng CCTV cameras sa Metro Manila.

Tinawag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III na “cat-and-mouse” situation ang tamang pagtatapon ng basura.

Ibig sabihin aniya nito, sumusunod lamang ang mga residente sa regulasyon kapag mayroong mga awtoridad na nagbabantay sa kanila.

Ayon kay Torre, sa sandaling mahuli sa akto sa pamamagitan ng CCTV ang maling pagtatapon ng basura, ipapadala ang litrato ng indibidwal sa barangay upang matukoy ang pagkakakilanlan nito at pagpapaliwanagin.

Aniya, kapag hindi kapani-paniwala ang paliwanag, iisyuhan ng ticket ang residente at magbabayad ng multa o di kaya ay sasampahan ito ng kaso.

Wala pa namang binabanggit na petsa kung kailan ito balak ipatupad ng MMDA.

About The Author