dzme1530.ph

Online payment sa pagbabayad ng amortisasyon, inilunsad na ng NHA

Pormal nang inilunsad ng National Housing Authority (NHA) ang kanilang online payment scheme kung saan maaari nang magbayad online ng kanilang amortisasyon ang mga benepisyaryo ng pabahay.

Katuwang ng NHA sa proyektong ito ang Maya Philippines na may layong mapadali, at mapabilis ang pagbabayad ng amortisasyon.

I-download lamang ang maya mobile application, magregister at magbayad gamit ang kanilang e-wallet payment feature.

Sa tulong nito, inaasahang magiging hassle free ang pagbabayad ng buwanang hulog ng mga housing beneficiary ng pamahalaan. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author