dzme1530.ph

MARCOS ADMINISTRATION, MAY BAGONG PEACE ADVISER

Loading

Kinumpirma ng Malacañang ang pagbabago sa liderato sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).

Ayon sa Palasyo, bumaba si retired General Carlito Galvez Jr. bilang pinuno ng OPAPRU at papalitan siya ni dating DILG Secretary Mel Senen Sarmiento.

Si Sarmiento ay nagsilbing kalihim ng Department of the Interior and Local Government sa ilalim ng Noynoy Aquino administration.

Samantala, si Galvez naman ay humawak ng iba’t ibang mahahalagang posisyon sa militar bago pinamunuan ang OPAPRU, kabilang na ang pagiging unified commander sa 5-month Marawi siege noong 2017, at hinirang bilang AFP chief of staff ng sumunod na taon.

About The Author