![]()
IGINIIT ni Senador Sherwin Gatchalian ang pangangailangan na palawakin ang tulong pinansyal sa gitna ng implikasyon ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinabi ni Gatcahlian na hindi mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang dapat nabibigyan ng ayuda at dapat isama rin ang mga tinatawag na “near-poor” households dahil sila rin ay tinamaan ng pagbaba ng purchasing power o kakayahang bumili.
Iminungkahi ni Gatchalian na ang mga pamilyang nasa ilalim ng 4Ps, na tinatayang nasa 4.4 milyon, ay bigyan ng P1,500 kada buwan sa loob ng tatlong buwan, na nagkakahalaga ng P19.8 bilyon sa pamahalaan.
Dapat din naman anyang bigyan ng P2,500 na tulong pinansyal sa 1.32 milyong pamilyang near-poor, na may kabuuang halaga na P9.9 bilyon.
Ang pinakaimportanteng problema na kailangan nating tugunan ay ang pagtiyak na ang mga mahihirap na ay hindi na lalong maghirap pa at ang mga ‘near-poor’ ay hindi tuluyang mahulog sa kahirapan.
Kailangan anyang tiyakin na ang mga vulnerable na kababayan ay mabigyan ng proteksyon sa gitna ng krisis.
