dzme1530.ph

EXECUTIVE ORDER SA SUSPENSYON NG EXCISE TAX SA LPG AT KEROSENE, INILABAS NA NI PBBM

Loading

Nagpalabas na ng executive order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa suspensyon ng excise taxes sa LPG at kerosene.
 
Alinsunod sa Executive Order 114, sasailalim sa monthly review ang temporary suspension.
 
Nakasaad sa EO na hindi saklaw ng suspensyon ng excise tax ang LPG na ginagamit bilang raw material sa produksyon ng petrochemical products o sa motive power gayundin ang kerosene na ginagamit bilang aviation fuel.
 
Tatagal ang suspensyon ng excise tax sa loob ng tatlong buwan.
 
Una nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon ng excise tax sa LPG at kerosene sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa tensyon sa Middle East.

About The Author