dzme1530.ph

ROLLBACK SA PRESYO NG DIESEL AT GASOLINA, NAMUMURO MULI SA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

Posibleng umabot sa 17 hanggang 19 pesos kada litro ang rollback sa presyo ng diesel sa susunod na linggo.
 
Nasa dalawa hanggang tatlong piso naman ang magiging tapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina.
 
Ito ay batay sa Mean of Platts Singapore trading sa nakalipas na apat na araw at foreign exchange averages.
 
Una na ring sinabi ng Department of Energy na asahan ang panibagong rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
 
Kadalasan namang nag-aanunsyo ng paggalaw sa presyo ang mga kumpanya ng langis tuwing Lunes at ipatutupad ng Martes.

About The Author