dzme1530.ph

PRESYO NG LPG, MAY PANIBAGONG P3 PER KILO NA ROLLBACK NGAYONG BIYERNES

Loading

May panibagong rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Biyernes.
 
Sinabi ni LPGMA founder Arnel Ty, na dahil sa pagbaba ng presyo ng krudo sa international market, tatlong piso kada kilo ang ibinawas sa presyo ng LPG ng kumpanyang Regasco.
 
Katumbas ito ng 33 pesos na tapyas sa 11-kilogram cylinder tank ng cooking gas.
 
Bukod pa ito sa tatlong piso na ibinawas sa kada kilo ng LPG noong April 14 dahil sa pagsuspinde sa excise tax.

About The Author