dzme1530.ph

PAGTANGGAP NI VP SARA NG CAMPAIGN CONTRIBUTIONS MULA SA MGA CHINESE NOONG 2022, PASOK SA CULPABLE VIOLATIONS OF THE CONSTITUTION

Loading

Pasok sa culpable violation of the Constitution ang pahayag ni Ramil Madriaga na tumanggap ng campaign contributions noong 2022 si Vice President Sara Duterte sa Chinese nationals.
 
Ayon kay Manila Cong. Joel Chua, salig sa Sec. 81 ng Omnibus Election Code, ipinagbabawal sa mga dayuhan na mag-donate sa isang kandidato.
 
Sa Sec. 96 naman, labag sa batas sa isang kandidato at political parties na mag-solicit o tumanggap ng donasyon ito man ay direct o indirectly.
 
Kung totoo at mapatunayang mga dayuhan ang nag-ambagan sa kampanya, malinaw na isyu ito ng culpable violation of the Constitution, saad ni Chua.
 
Isa rin umano itong election offense dahil may distribution na naganap, kaya kailangan malaman kung ang mga sangkot ay talagang Chinese citizens.

About The Author