dzme1530.ph

REMITTANCES, BUMAGSAK SA 9-MONTH LOW NOONG PEBRERO

Loading

Bumaba ang remittances mula sa overseas Filipinos sa 9-month low noong Pebrero, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
 
Naitala sa 2.786 billion dollars ang perang ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko o formal channels para sa naturang buwan.
 
Mas mababa ito kumpara sa 3.020 billion dollars noong Enero subalit bahagyang mas mataas sa 2.716 billion dollars noong February 2025.
 
Ayon sa BSP, ito ang lowest level sa loob ng siyam na buwan o simula nang mai-record ang 2.668 billion dollars na remittances noong May 2025.
 
Mula sa total remittances, 2.25 billion dollars ay padala ng land-based workers habang 0.53 billion dollars ay mula sa sea-based workers.

About The Author